Mayayamang negosyante utak ng carjacking sa PH

AMINADO ang Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit (QCPD-DACU) na may ilang mayayamang negosyante ang nasa likod at nagpopondo sa talamak na operasyon ng sindikato ng carnapping sa bansa.

Sinabi ni Supt. Ferdinand Villanueva, hepe ng QCPD-DACU, na ito ay base sa pag-amin ng ilang suspek sa carnapping na hawak nila ngayon.

Aniya, tuloy ang kanilang imbestigasyon para madiin ang mga negosyanteng ito na may kinalaman sa mga pagnanakaw ng sasakyan sa Metro Manila.

Kabilang aniya sa mga sinusubaybayan ngayon ng kanilang hanay ay ang Onad carnapping group, Bonifacio carnapping group,  Mike Jimenez carnapping group at isang Gutierrez carnapping group.

Naniniwala si Villanueva na malaking puntos sa anti carnapping campaign ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakapatay sa limang miyembro ng Lintag carnapping group at pagkakaaresto naman sa apat na miyembro ng Manteja/Briones carnapping group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply