Mayor ng Lingig Surigao del Sur, 2 pa, dinukot

DINUKOT ang mayor ng Lingig, Surigao del Sur kasama ang dalawang military escorts nito ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army umaga ng Sabado, Agosto 6.

Ayon kay Caraga Region Police Regional Director Chief Supt. Reynaldo Rafal, kumpirmadong dinukot si Mayor Henry S. Dano at ang dalawa nitong military escort bandang 6:30 am.

Ayon pa kay Rafal, kaagad niyang ipinag-utos sa Surigao del Sur Police Provincial Police Office na imbestigahan ang naturang insidente habang ang militar at mga pulis ay tinutugis na ang mga suspek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay Rafal, tinatayang 30 armadong rebeldeng NPA ang dumating sakay ng kanilang sasakyan sa tahanan mismo ng Mayor sa Lingig Poblacion at agad na dinukot ang mayor at dalawang escort nito.

Nabatid pa na ang isa sa mga suspek ay nakasuot ng Barong Tagalog, kung saan kumatok ito sa gate ng naturang bahay at nagpakilalang isang National Bureau of Investigation (NBI) personnel habang ang iba pang mga suspek ay nakasuot naman ng camouflage uniforms.

Makaraang buksan ng kasambahay ni Dano ang gate, kaagad pumasok ang mga suspek at dinisarmahan ang mga security guard kasama na ang dinukot na dalawang escort ng mayor.
Tangay ang tatlong dinukot ng mga suspek sakay ng tatlong van tahak ang daan patungong Boston, Davao Oriental.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply