Mayuga Report rerebisahin ni PNoy

PERSONAL na rerebisahin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang Mayuga Report, isang ulat ng imbestigasyon tungkol  sa pagkakasangkot sa ilang opisyal ng militar sa diumano’y dayaan sa eleksyon noong 2004 kung saan ay nanalo si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“That has not been on the top of the agenda recently,” ayon sa Pangulo. “And I’m sorry, I have to recall exactly what I saw in the Mayuga report. I have to get back to you on that.”

Natanggap ni Pangulong Aquino ang ulat nang mahalal siya bilang Pangulo ng bansa noong nakaraang taon.

Nangako ito na isasapubliko ang report na inihanda ni dating Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Mateo Mayuga, na namuno sa isang panel na nagsiyasat sa alegasyon ng dayaan sa nabanggit na halalan.

Ang sinasabing iregularidad noong 2004 presidential elections ay muling umalingasaw matapos magsulputan ang iba’t -ibang personalidad, kasama na ang mga pulis, na umaming may partisipasyon sila sa nabanggit na poll fraud.

Sinabi pa ng Pangulo na sa anim na kahon ng dokumento, kasama na ang report ni Mayuga, ay briefer pa lang ang nababasa niya.

Inamin din nito na hindi na niya matandaan kung ano ang nilalaman ng briefer dahil hindi naman ito naglalaman ng makatas na impormasyon.

“I really don’t remember the details that I saw there. Parang it’s not in the three pages that you will find the issues, it is in the six boxes worth of supporting documents,” anito.  Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply