Mayweather sabit sa pamamaril

POSIBLENG maapektuhan ang laban ni superstar boxer Floyd Mayweather Jr. kay Victor Ortiz sa Sept. 17 dahil nahaharap na naman sa panibagong civil lawsuit ang una.

Ito ay matapos magsampa ng kaso ang ilang kalalakihan kaugnay ng umano’y planadong pamamaril ng boksingero  na naganap sa Las Vegas dalawang taon na ang nakararaan sa isang skating rink.

Isang Ocie Harris at iba pang lalaki ang nag-akusa kay Mayweather na siya umanong may gawa ng pang-aatake.

Subalit sinabi naman ni Leonard Ellerbe, CEO ng Mayweather Promotions, na walang kinalaman ang undefeated boxer sa naturang pangyayari.

“As in most civil cases this is just another attempt to extort money,” ani Ellerbe. “An educated observer would examine the background of these individuals and immediately question their credibility” dagdag pa niya.

Samantala, ang legal counsel ni Mayweather na si attorney Mark Ferrario ay umaasang maaayos din ang gusot ng boksingero sa korte.

Ang mga abogado naman ng complainants na sina Quincey Williams at Damien Bland ay umaangal dahil ginagapang umano sila ng mga kinatawan ni Mayweather para bayaran ng danyos at huwag na lang isulong ang kaso sa hukuman.

Matatandaan na may kaso ring kinakaharap si Mayweather sa korte na isinampa ni Manny Pacquiao dahil sa pag-akusa sa huli na gumagamit ng steroids habang santambak din ang asuntong nakabinbin na iniharap naman ng dating nobya ng undefeated boxer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply