Medical certificate ni FG kinumpirma ng Senate docs

KINUMPIRMA ng hepe ng Senate Medical and Dental Division ang medical certificate na isinumite ni dating first gentleman Mike Arroyo sa Blue Ribbon Committee na delikado siyang dumalo sa pagdinig.

Sa kanyang ulat sa Blue Ribbon Committee, sinabi ni Dr. Mariano Blancia sa pamamagitan ng kanyang liham na kinumpirma ni Dr. Cruz, cardiologist ni Arroyo na makasasama sa kalusugan ng dating unang ginoo na mapagod sa pagdalo at pagharap sa komite.

Ayon kay Blancia, kapag dumanas ng masyadong pagod o stress ang dating unang ginoo, maaaring bumuka ang isang ugat sa puso nito na naunang inoperahan.

“At about 11:30 am the undersigned together with Dr. Ernesto Sison, Jr proceeded to St. Luke’s Medical Center at Global City, Taguig to confer with the cardiologist of Mr Jose Miguel Arroyo, the cardiologist, Dr. Crzu affirmed he veracity of the medical certificate issued to the blue ribbon committee,” ayon kay Blancia.

Sinabi pa ni Blancia sa komite na pagkatapos makumpirma kay Dr. Cruz ang kalagayan ng kalusugan ni Arroyo, kaagad naman silang nagtungo sa Philippine Hearth Center upang humingi ng tulong kay Dr. Manuel Chuachiaco sa ebalwasyon ng kondisyon ng kalusugan ng dating unang ginoo.

“At around 1:30 pm, our team proceeded to the Philippine Heart Center to confer with Dr. Manuel Chuachiaco and requested assistance in evaluating the condition of Mr. Arroyo,” paliwanag ni Blancia.

“After some deliberation, Dr. Chuachiaco, in his letter to your honor has requested through the blue ribbon committee some pertinent documents/records for him to objectively assess the fitness of Mr. Arroyo to testify in the blue ribbon committee hearing,” patapos niya.

Naunang, inatasan ng komite si Blancia na magtungo sa St. Luke upang kumpirmahin ang medical certificate na isinumite ng abogado ni Arroyo na siyang dahilan kung  bakit hindi ito makadadalo sa pagdinig.

Inatasan din ng komitte si Dr. Chuachiaco, alinsunod sa suhestiyon ni Sen. Franklin Drilon, na tumulong sa evaluation ng kondisyon ng kalusugan ni Arroyo bago tumestigo sa pagdinig.

Iniuugnay si Arroyo sa maanomalyang bentahan  ng lumang helicopter na pag-aari ng kanyang pamilya sa Philippine National Police (PNP) noong 2009 sa halagang P105 milyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply