Melanie Marquez bumalik sa Amerika pagkatapos makapagbenta ng P200K-painting

TUWANG-TUWA ang aktres at beauty queen na si Melanie Marquez nang pumalo ang kanyang isa sa mga likhang-sining na painting sa halagang P200,000.00.

Yes, mga kaibigan at mga giliw na mambabasa, kinuha ng isang magiliw at may perang panauhin sa “Art and Beauty” painting exhibit sa Ricco Renzo Galleries ang nilikha ni Melanieng pinta nang walang kagatul-gatol.

Nang bimisita si Dr. Manny Calayan sa gallery ay agad na bumulaga sa kanya ang trabaho ni Marquez at hindi niya pinaglagpas ang isang minute, inatasan niya ang tagapamahala ng lugar na tanggalin na sa pagkakasabit ang kuwadro at kanya nang bibitbitin pauwi.

Walang pakialam si Manny kung nagkakahalaga man ng gano’n kalaki ang obra ni Melanie.

***

Gawa sa kandila ang ipininta ni Marquez na tungkol sa isang babaing nakatalikod at papalayong naglalakad.

Para kay Melanie ay isang magandang pangitain ang pagbili ni Calayan sa kanyang obra maestra.

Alam ba ninyong sa Estados Unidos pa ginawa ng aktres ang paiting na ‘yon?

At ang kanyang mga materyales ay ngayon lang sukdulang ginagampanan ng mga alagad ng sining bagamat ngayon lang nga kami nakarinig at nakakita ng ganitong proseso.

Ayon kay Melanie, nananliksik talaga siya sa paggamit ng isperma sa pagguhit sa lona.

At sa abot ng kanyang makakaya at nalalaman, ngayon lang naganap ito sa larangan ng pagdo-drawing.

***

May isa pang natitirang painting si Melanya na nagkakahalaga naman ng P250,000.00

Masuwerte ang aktres dahil siya ay Melanie Marquez at ang anumang nakadikit sa kanya ay mataas ang uri at halaga lalo na sa isang lipunang nagpapahalaga sa pangalan at katayuan sa buhay.

Umalis na ang dating Miss International pauwi ng Amerika para harapin naman ang kanyang pagiging Mrs. Adam Lawyer.

Bongga at bilyonarya na si Melanie dahil ang kanilang pamilya ay may rantso na sa US.

Maligaya ang bituin sa kanyang paninirahan sa ibang bansa pero ang pagdalaw sa Pilipinas ay isa pa ring magandang karanasan para sa kanya.

Gusto pa ring lumabas sa pinilakang tabing at telebisyon kabilang na ang entablado ni Marquez kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon na makaganap muli sa mga midyum na ito nang may mataas na pananagutan sa buhay.

Sinabi ni Melanie na ang TV show lang ni Vice Ganda ang kanyang nasagutan at nalabasan bagamat maraming alok.

Inaasahan ng aktres na makakabalik siya sa Pilipinas sa Disyembre.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply