Metro Manila lubog pa rin sa baha

NAKATAAS pa rin sa second alarm ang Marikina River dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa ilog, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila.

Ito ay makaraang lumagpas sa 16 meters ang antas ng tubig sa ilog kung kaya’t kanila ng ipinag-utos ang agarang paglikas ng may 33 pamilya na nakatira malapit sa ilog.

Nakahanda rin umano ng 24 oras ang kanilang mga motor boats at iba pang rescue equipment para sa kaligtasan ng kanilang mga kababayan.

Umabot din ng halos baywang ang baha sa ilang lansangan sa Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Sa impormasyon mula Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang umano sa mga lugar na binaha ay ang San Juan, Quezon City, Mandaluyong at lungsod ng Maynila.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos hindi umano madaanan ang bahagi ng Barangay Mayamot sa Antipolo City dahil sa baha.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply