Mga asawa ng senador numero unong tsismosa

TALAGA ngang tunay na babae ang dalawang asawa ng mambabatas na ito dahil simula nang magkita sila at dumalo sa sesyon ng kani-kanilang asawa at hanggang sa matapos ang sesyon ay walang humpay ang kadaldalan ng mga ito.

Kitang-kita ng malaking mata ng matang kuwago ng Remate ang pagiging daldalera na tipong mga tsismosa ang asawa ng dalawang mababatas na ito.

Akalain nyo, mula sa simula hanggang sa matapos ang sesyon ay walang patid ang kanilang tsismisan.

Malupit pa nito, ang lahat ng boses ng isa sa mga madaldal na asawa ng mambabatas  na nakalimutan niyang nasa loob siya ng session hall at may sesyon.

Kung  titingnan mo nga ang dalawang ito ay hindi mga asawa ng mambabatas kundi naimbitahan lang na bisita subalit natuklasan ng matang kuwago na ang naturang dalawang daldalera ay asawa pala ng mga senador.

Hindi lamang natin alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan o pinagdadaldalan at kung sino o sino-sino ang mga ito at tungkol saan.

In fairness sa mga asawang ito ng mga mambabatas, may kagandahan at dating naman sila at may ipagmamalaki subalit nakalimutan lang siguro ng mga ito ang tamang breeding este ang tamang de corum pag nasa loob ng session hall.

Pareho ding nagsuot ng kani-kanilang Filipiniana dress ang asawa ng dalawang mambabatas subalit simpleng-simple dahil sa wala man lamang mga kulurete sa katawan at masyadong make-up kundi tanging pulbos at konting foundation lamang.

Alam ninyo bang hindi pa nakuntento ang dalawa dahil tinangka pa nilang isama sa kanilang daldalan ang isa ring asawa ng senador na dumalo sa sesyon subalit mukhang hindi feel makipagdaldalan o hindi type ng isa pang asawa ng senador ang topic kaya panandalian lang itong nakipagkwentuhan at matapos nito ay sinabayan ng tagilid o animo’y tinalikuran ang dalawa.

Walang nagawa ang dalawang daldakera kundi ang ipagpatuloy na lang ang kanilang pagdadaldalan at pabayaan na lang ang kapwa nila asawa ng isang mambabatas.

Mga baguhang mambabatas ang asawa ng dalawang madaldal na babae at halos napasok sa isang magkaibang kontrobersya at malaking isyu.

Subalit pareho silang mayroong kaisipan o ideya ukol sa salitang kudeta dahil ang isa sa mga mambabatas na ito ay naging bahagi ng isang kudeta na dahilan ng kanyang pagkakakulong subalit hindi nagtagumpay sa kudeta samantalang ang isang mambabatas na asawa ng madaldal na babae ay biktima ng kudeta ang kanyang ama sa panahon ng kanilang administrasyon.

O tiyak na alam na ninyo. Pag hindi pa, malamang hindi kayo mahilig sa Edsa at sa Glorietta na makikita doon ang Oakwood.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply