Mga barangay sa Cebu lumubog sa baha

LUMUBOG sa tubig baha ang ilang barangay sa Cebu at Mandaue City makaraan ang malakas na pagbuhos ng ulan kaninang hapon.

Kabilang sa mga apektado ng baha ay ang Barangay Duljo Fatima, Mabolo, T. Padilla at MJ Cuenco kung saan lagpas tuhod na ang tubig. Habang lubog din sa tubig baha ang Barangay Subangdako sa Mandaue na abot sa beywang ang taas ng tubig.

Daan-daang pasahero rin ang na-stranded sa halos isang oras na pagbuhos ng ulan kung saan karamihan dito ay mga estudyante at empleyado.

May mga gusali rin at malalaking mall ang pinasok ng tubig baha sa siyudad ng Cebu.

Dagdag dito, dalawang katao ang na-rescue ng Bureau of Fire Protection matapos ma-trap sa ilalim ng isang tulay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply