Mga barko ng Island Express grounded

PANSAMANTALANG kinansela ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang permit para makapaglayag ang lahat ng barko ng Island Express Shipping matapos masunog ang isang barko nito na nagresulta sa trahedya kahapon (Linggo, Agosto 22).

Kasabay nito ay inatasan ni Transportation Secretary Mar Roxas ang Board of Marine Inquiry na ipatawag ang opisyal ng naturang shipping company para makunan ng pahayag hinggil sa naturang insidente.

“At this point, public safety is our primordial concern. I will not allow shipping companies to take chances with the lives of the passengers. DOTC will ensure that whenever a passenger steps on a ship, he can be certain that ship will have passed all the stringent requirements for safety,” ani Roxas.

Partikular na hindi muna pinaglayag ang isang fastcraft at apat pang RoRo vessel ng nasabing kompanya.

Matatandaan na galing sa Cebu patungong Tubigon, Bohol ang M/V Island Express nang masunog limang milya ang layo sa Timog-Silangan ng Lawis ledge, Cebu City na nagresulta sa pagkamatay nina Mrs. Matea P. Infiesto, 62, Nicetas N. Cabrera, 73, mga pasahero mula Lagsing, Bacani, Clarin Bohol at Chiefmate Abelardo C. Torrevillas Sr., 57, ng Tagbilaran City.

Tiniyak din ng kalihim na tutulungan nila ang pamilya ng mga nasawi gayundin ang mga nakaligtas lalo ang mga nasugatan na dinala sa ospital.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply