Pinoy prisoners sa Syria pauuwiin din

HINDI lamang mga ordinaryong overseas Filipino workers (OFWs) ang nais nang umuwi sa Pilipinas, bagkus maging ang mga bilanggong Pinoy sa Syria ay nakikiusap na rin sa gobyerno na gawan ng paraan ang kanilang pagbabalik sa sariling bayan.

Ayon kay Philippine Consul General sa Syria na si Marlo Miranda, inaayos na nila ang pagbiyahe ng 190 Pinoy, 58 distressed workers, at 25 bilanggong Pilipino.

Sinabi niya na isinasaayos na rin nila ang payment scheme sa mga amo ng ilang Pinoy na masigasig nang umuwi sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang isasagawang pagtulong ng embahada ng Pilipinas sa mga kababayan na boluntaryong uuwi na sa Pilipinas.

Inihayag naman ng tagapagsalita ng DFA na si Raul Hernandez, kumikilos na ang mga opisyal ng kagawaran upang isaayos ang deployment cost at exit clearances upang makabyahe na ang mga kababayang Pinoy sa Syria.

Kung matapos na ang pagproseso ng mga dokumento, bibigyan na ng tiket ang mga bibyahe pauwi ng PIlipinas. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply