Mga congressman attack and collect

SINO-SINO ang mga tinataguriang Congressman attack and collect sa House of Representatives?

RESORTS WORLD

Iniimbestigahan sa kasalukuyan ang Resorts World Hotel and Casino dahil agrabyado raw ang Pinas sa naging kontrata nito sa administrasyong pinamumunuan ni GMA.

CONGRESSMAN AREGLO

Pinakialaman daw ni Cong. Areglo ang kaso kung kayat hayun… Nakarating sa Malaysia si Cong noong isang buwan kung saan sagot daw ito ng Genting Malaysia na isa rin sa may-ari ng RW Philippines.

Kumpleto raw ang ibinigay na akomodasyon ng Genting kay Cong. Puwera sa baon at air ticket, may pinapapak pang tsitsing si Cong sa Genting Highlands.

SINO SI CONG. AREGLO?

Kung BAGA tawagin ito ay mahilig sa tsiTSING,  kilala rin ito ni DDB Chair. Bebot Villar, dahil kasama n’ya ito noon sa dormitoryo na ang bantot-bantot daw ng paa.

CONG. KABANGGA

Huwag na huwag mong babanggain ang proyekto n’ya dahil siguradong babalikan ka.

ANAK NG DIYOS

Ito lang ang binigyan ng pabor ni dating Pang. GMA na gumawa ng proyekto ng 72 RORO ports.

Bakit s’ya lang ba ang anak ng Diyos?

Ang ginamit daw na kompanya nitong si Cong noon ay ang French company na Matiere.

UMALINGASAW ANG BANTOT

Buti na lang at umalingasaw ang lansa ng proyekto kaya’t 6 na lang ang naipalusot nitong tuta ni GMA na ngayon ay tong, este, Kongresista na.

GANTI SA KALABAN

Sa kasalukuyan ay pinahahalukay na ni Cong. Kabangga ang lahat ng proyekto ng gobyerno na may international fundings.

Sa madaling salita babalikan na n’ya ang mga kalaban sa negosyo na nagbuking sa anomalya. GANUN?

TONGPATS SA PROYEKTO

Hindi lang RORO ang nayari ni Cong, pati ang proyekto ng isang fly over d’yan sa Bacolod City ay sangkatutak na tongpats ang ginawa nito.

LIMANG TONG-PATS

Sa narinig ng ating uzi, umaabot sa limang doble ang presyo ng fly-over na proyekto rin nitong si Cong. Kabangga at si PNoy pa raw ang magpapasinaya.

Nye!!! Matuwid nga!!!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply