Mga dayuhan gustong manatili sa Pinas

MATAPOS dumating sa bansa, mas nais na ng mga turistang dayuhan na mamalagi nang mas matagal sa Pilipinas batay na rin sa datos na nakalap mula sa Bureau of Immigration.

Sa datos na ibinigay ng visa extension office, umabot sa 81,287 aplikasyon para sa visa extension ang nabigay ng nasabing tanggapan mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ayon pa kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., mas mataas ito sa 60,483 aplikasyon na naibigay ng kawanihan noong isang taon.

Ang mga dayuhan hindi na kailangan pa ng visa ay pinapayagang mamalagi sa bansa nang hanggang 21 araw, habang mga mga kumuhuha naman ng visa sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa ay binibigyan ng 59 araw na palugit upang manatili sa bansa.

Karamihan sa mga turistang tumagal ang pamamalagi sa Pilipinas ay mula sa South Korea, Taiwan, America at Canada.

Naniniwala rin si David na sa pagtaas ng bilang ng mga turistang tumatagal ang pagbisita sa bansa, nakapagbigay ito ng ibayong pakinabang sa mga sektor sa turismo tulad ng mga hotel, restaurant, bahay-bakasyunan, at resorts.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply