Mga empleyadong lalahok sa kilos protesta kakasuhan ng Pal

SASAMPAHAN ng kasong administratibo ng pamunuan ng Philippine Airlines (Pal) ang mga empleyadong sasama sa kilos protesta ngayong araw (Lunes, Agosto 22).

Ayon sa pahayag ni Pal Spokesperson Cielo Villaluna na kinikilala ng flag carrier ang karapatan ng mga empleyadong magpahayag ng kanilang mga hinaing subalit dapat tiyakin ng mga ito na hindi makaaapekto sa operasyon ng kumpanya ang kanilang pagkilos.

Ayon kay Villaluna, walang problema kung magpoprotesta ang mga empleyado kapag break time nila o kaya naman ay day off ng mga ito pero abandonement of duty at mahaharap sa kaso kapag nagprotesta habang naka-duty pa ang mga ito.

Una nang ipinabatid ng Pal Employees Association (Palea) na magsasagawa sila ng motorcade ngayong araw na ito bilang protesta sa early retirement program na ikinakasa ng Pal at una nang kinatigan ng Malakanyang.

Kasalukuyan, isang motorcade ang ikinakasa ng Palea na magsisimula mula Roxas Blvd. hanggang Ayala Avenue sa Makati City bilang  protesta nila sa pagsibak sa halos 2,600 empleyado ng non-core units ng Pal.

Plano rin ng Palea na maghain ng petisyon sa Court of Appeals laban sa nasabing outsourcing plan na una nang kinatigan ng Malakanyang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply