Mga gago at walanghiyang pulis ng CIDU ng QCPD

DALAWANG trainee o OJT na reporters ng pahayagang ito ang binastos ng mga tarantadong desk officer ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District habang kumukuha lang ng reports o balita.

Sina Ronnel Mutya at Abigail Juaniza, kapwa miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) at estudyante ng New Era College sa police blotter ay pinagsisigawan at nilait ang mga ito ng  mga tarantadong  desk officer ng CIDU. Tuloy‘ nagka-pobhia’ nang bumalik sa CIDU sa Karingal ang mga OJT. Sayang at hindi nila nakuha lahat ang mga pangalan ng mga walang modong pulis at ‘yung Paeng Peralta lang ang nakuha nila.

Imbes na ang mga pulis na ito ang manguna sa pagpapakita ng  pagiging magalang, masuyo at mapagpakumbaba, ang mga tarantado pang ito ang nagpakita ng kawalanghiyaan.

Sa kanilang salaysay, noong nakalipas na Lunes ay nagsadya sa CIDU sina Juaniza at Mutya  upang kumuha ng police reports sa police blotter.

Noong una ay maayos naman silang inasikaso ng desk officer na si Peralta  at pinaupo pa sila habang hinihintay ang iba pang complaints sa police blotter.

Sinabihan pa raw sila ng desk officer na puwede nilang ipa-photo copy ang blotter.

Ang masakit nito, pagbalik nila sa tanggapan ng CIDU ay sinita sila nung isa kung bakit nila dinala ang blotter na dapat aniya ay kinokopya lamang.

Nanggagalaiti sa galit ang maangas at di nakilalang pulis sa OJTs. Sinegundahan ito ng isa pang walanghiyang pulis habang ‘yung desk officer na nauna nilang kausap ay hindi man lang sila dinepensahan.

Napaka-grabe kung laitin ang dalawa at hindi pa sila nasiyahan, ipinahiya pa sila sa mga miyembro ng QCPD Press Corps.

Kung hindi ba naman mga tarantadong mga pulis na ito!!! Tama ba ‘yan QCPD Director Gen. George Regis?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply