Mga hukuman bokya sa 2012 budget

ZERO budget ang mga hukuman para 2012 partikular ang pondo para sa pagtatayo, pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga gusali sa buong bansa matapos tutulan ng Pangulong Aquino ang P1.2 bilyon panukalang pondo na inilalaan para rito.

Ito ang inamin ni Justice Secretary Leila De Lima sa pagdinig sa Kamara, sinabi niya na naglaan ang kagawaran ng P1.2 bilyong pondo para sa mga lokal na hukuman sa 2012 pambansang pondo, subali’t hindi ito isinama ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ayon sa liham na kanilang ipinadala noong ika-6 ng Enero 2011 na nagsasaad ng pagtutol ng Pangulo sa mga probisyon para sa hinihinging pondo.

Bagay na kinondena ni Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas ang kawalan ng kahit isang sentimo ang inilaang pondo para sa pagtatayo ng gusali o kahit para sa pagkukumpuni man lamang ng mga hukuman sa maraming lugar ng bansa matapos isumite ang panukalang 2012 General Appropriations Act.

Ibinunyag ng lady solon na tanging ang pagtatayo ng Manila Halls of Justice ang nilaanan ng P400 milyong pondo para sa susunod na taon.

Dahil dito, nais ni Primicias-Agabas, Chairman ng House Committee on Revision of Laws, na amyendahan ng mga mambabatas ang 2012 national budget sa pamamagitan ng

pagbabalik ng panukalang P1.2-bilyong pondo para sa mga korte.

Hiniling naman ni De Lima sa budget hearing ang maging inisyatiba ng Kongreso na hilingin na ibalik ang P1.2 bilyong pondo para sa nabanggit na proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply