Mga korap sa COA dapat sibakin ni PNoy

SA totoo lang, sang-ayon ang maraming Pinoy sa masugid na kampanya ni Pang. Noynoy Aquino laban sa mga korap sa gobyerno.

Tama ang kanyang prinsipyo na walang dapat sasantuhin sa mga nagkasala sa bayan. Dapat silang maparusahan ng batas.

Ang aniya’y personal na niyang ‘giyera’ sa katiwalian ay dapat nating suportahan. Kung may nalalaman, dapat natin itong isiwalat.

Dahil sa paraang ito, lamang natin matutulungan si PNoy sa kanyang krusada laban sa korapsyon na ugat ng kahirapan ng bansa.

Kahit saang sangay na yata ng gobyerno, parang sakit na cancer na ang pagiging ‘tiwali’. At para magamot ito, kailangan ang tulong ng bawa’t isa.

Dahil ang Pangulo ay ‘di magtatagumpay kung tayo’y mananahimik lang at makikinig sa kanyang hinaing na katiwalian.

Sundan natin si PNoy sa kanyang pagtahak sa ‘Tuwid na Daan’, kagaya ng ginagawa ngayon ni S/Supt. Rafael Santiago.

Sa pamamagitan ng pagbubulgar ng ‘nalalaman’ – baka sakaling mabibigyan na ng katapusan ang matagal nang ulat na dayaan noong nakaraang 2004 election.

‘Di lang si Santiago, marami nang naunang lumabas para ibulgar ang nalalamang katiwalian. Isa rito si Haydee Mendoza.

Si Mendoza ay isa sa mga nagsiwalat sa multi-milyong anomalya sa Armed Forces of  the Philippines noong panahon ng Arroyo administration.

Dahil sa nakikitang katapatan, hinirang ito kamakailan ni Pang. Aquino na komisyoner ng Commission on Audit.

Beterano si Com. Mendoza kung ang pag-uusapan ay tungkol sa COA. At sure tayo na batid din nito ang korapsyon sa ahensya.

Sa mga LGU at government office, mabibilang lang siguro ang may prinsipyo at ‘di korap na COA officers sa mga ito.

Siguro’y panahon na para mahinto ang katiwalian ng COA officers sa mga lungsod, bayan, barangay at government agency.

Pangulong Aquino… sir…unahin mong pagtatanggalin ang mga COA officer na korap.

Kapag nagawa mo yan, tiyak na mawawala ang mga korap na gobernador, mayor, departments head at government agencies head.

Itaga mo yan sa bato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply