Mga kumpanya ng langis muling nagpatupad ng rollback

NAGPATUPAD ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis bunga ng pagbaba ng halaga ng lagis sa international market.

Simula kaninang hatinggabi, Agosto 15, P1.50 ang ibinawas ng Shell sa kada litro ng kanilang unleaded, premium at regular gasoline.

Samantala, P1.70  naman ang tinapyas ng Shell sa bawat litro sa kanilang diesel at kerosene.

Epektibo naman ngayong alas-6:00 ng umaga inilarga ng Chevron, Petron at Phoenix Petroleum ang kahalintulad na rollback sa produktong petrolyo.

Una nang nagpatupad ng tapyas presyo sa langis ang Flying V, Eastern Petroleum at Total.

Hindi naman nasiyahan sa ipinatupad na tapyas presyo ang Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na ikinasa ng mga oil company nitong nakalipas na weekend.

Ayon kay Piston secretary-general George San Mateo, mahigit P8 na ang over price ng mga kumpanya ng langis sa presyo partikular ng diesel sa nakalipas na tatlong taon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply