Mga magsasaka bibigyan ng insurance

BIBIGYAN ng insurance ng Department of Agriculture at Negros Occidental sa halagang P180-million ang mga tanim na palay ng 10,000 magsasaka sa nasabing lugar.

Ayon kina Agriculture Secretary Proceso J. Alcala at Governor Alfredo J. Marañon, Jr. ng Negros Occidental, naipamahagi na nila sa 1,500 magsasaka ng crop insurance policies bilang panimula.

Ginagarantiyahan ng nasabing mga insurance policy ang bawat magsasaka ng hindi lalagpas sa P17,680 bawat ektarya ng insurance claims kung masira ang kanilang pananim dahil sa peste, sakit ng halaman o natural calamities.

Tinatayang may 10,000 magsasaka sa Negros Occidental na bawat isa ay may tig-iisang ektaryang lupang sinasaka.

Sa nasabing programa, aakuin ng gobyerno ang 60% o P500 ng insurance premium na nagkakahalaga ng P840 bawat ektarya sa bawat pagtatanim.

Ang balanseng P340 ay babayaran naman ng magsasaka.

Gayunman, kung walang kakayahan ang magsasakang magbayad ng premium, pansamantalang aakuin ng gobyerno ang 100% na bayarin hanggang sa kaya na niyang magbayad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply