Mga may dengue siksikan sa mga ospital

PATULOY pa rin ang pagdagsa ng mga may sakit na degue sa mga ospital sa National Capital Region (NCR) kaya sumikip na ang mga kwarto sa mga ospital.

Kaugnay nito, muling nagbabala ang Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng paglobo pa ng bilang ng kaso ng dengue bansa sa Setyembre dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan.

Ayon sa DOH, ang kaso ng dengue sa NCR ay tumaas nitong buwan ng Hulyo at Agosto at malaki pa ang posibilidad na lalo pang tumaas sa susunod na buwan.

Sa rekord ng DOH, umaabot na sa 45,000 ang dengue cases sa bansa nitong unang linggo ng Agosto at may 6,000 ay naitala lamang sa loob ng dalawang linggo.

Pangunahing apektado ng nakamamatay na sakit ay ang Metro Manila at ang Region 1 at 3.

Dahil sa pagdami ng nagkaka-dengue, binuksan na ang Dengue Express Lane sa San Lazaro Hospital kung saan may 428 naka-confine dahil sa nasabing sakit.

Nanawagan na rin ang DOH sa mga local government unit na buksan ang mga health center tuwing weekend para sa dengue screening.

Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na mag-ingat upang makaiwas sa nasabing sakit.

Payo pa ng ahensya, makabubuti ang pagsusuot ng mahabang damit, pagpapahid ng mosquito repellant partikular na sa mga bata.

Mainam rin ayon sa DOH na uminom ng isang baso ng tubig na hinaluan ng ¼ kutsaritang asin at dalawang kutsara ng asukal para makaiwas sa dehydration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply