Mga Muslim ipinagtanggol ng Katolikong obispo

IPINAGTANGGOL ng isang Katolikong obispo ang mga kapatid na Muslim laban sa masamang interpretasyon ng iba laban sa kanila.

Ito’y kasabay nang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayon (Martes,Agosto 30) na idineklarang holiday ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Digos Davao del Sur Bishop Guillermo Afable, ang mga Muslim ay makatao, ayaw ng karahasan at higit sa lahat ay maka-Diyos.

Iginiit ni Afable, walang Muslim na rebelde at kung rebelde ang mga ito, sila ay hindi totoong mga Muslim.

“Walang Muslim na rebelde. Ang mga Muslim ay mabubuting tao. Maginoo, maka-Diyos at makatao. Pag rebelde yun, hindi iyon Muslim,” ayon kay Afable, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Kaugnay nito, umapela si Afable sa mga mamamahayag na huwag gamitin ang salitang “rebeldeng Muslim,” sa mga bandidong sangkot sa mga karahasan sa Mindanao.

Sa halip aniya, dapat na ‘moro’ ang terminong gamitin ng mga ito.

“Sa mga mamamahayag, sana palitan ninyo ang inyong vocabulary. Huwag ninyong sabihing rebeldeng Muslim. Palitan ninyo ng Moro. Iyon ang wastong terminology. Moro hindi Muslim,” ayon kay Afable.

“Tinutukoy ninyo ang mga Abu Sayyaf, mga ganyan, Moro yan. Hindi yan mga Muslim. Kasi iyong Muslim, nadadamay iyong mga totoong Muslim e,” dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply