Mga NPA susuko na

IPINAHAYAG ng mga naunang sumukong mga miyembro ng Platoon Lawin ng NPA committee front 71 na nag-ooperate sa boundary sa Malita, Davao del Sur at Glan, Sarangani Province, na nakahanda nang sumuko ang iba pa nilang miyembro na may mga karamdaman ng malaria.

Base sa salaysay ni Lt. Col. Adolfo Espuelas, sinabi umano sa kanya ng sumukong si Brian Moda alyas Benjie ang kagustuhan na bumalik na sa pamahalaan at magpagamot ng kanyang mga kapwa NPA sa naturang lugar.

Marami umanong magagandang programa ang gobyerno sa mga susukong miyembro ng rebeldeng grupo kasama na ang magandang pagkakataon na bumalik na uli sa kapatagan at mamuhay ng normal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply