Mga obispo hindi ipinagtanggol si Jesus

NASAAN ang mga Katolikong obispo sampu ng kanilang mga pari nang mag-exhibit ang isa sa mga artist (daw) na dating mga estudyante ng University of Sto. Tomas (UST) ng imahe ni Jesus Christ at ni Virgin Mary na may condom at ari ng lalaking inilagay sa ulo ni Jesus?

Wala akong narinig na salita galing sa mga kaobispuhan at kaparian maliban sa isang pro-life na samahan na magdedemanda raw sa office of the Ombudsman laban sa management ng Cultural Center of the Philippines

(CPP)  at ang mga artist na kalahok sa exhibit ng CPP na isang gusaling ari ng pamahalaan.

Inihinto ng CCP ang exhibit hindi dahil nagalit ang karamihan kundi dahil may mga nasira raw na mga bagay sa CCP.

Ako ay naniniwala na hindi dapat sambahin at dasalan ang mga rebulto at iba pang mga graven image sapagkat ayon sa 10 Commandments ayaw ito ng Diyos dahil siya ay isang jealous God.

Ganoon pa man, kung hindi naman sinasamba at niluluhuran ang mga estatwang iyan at iba pang bagay katulad ng mga retrato ay maaaring hindi ito masama kung ang mga ito ay remembrances lamang ni Jesus at ni Mary.

Maaaring kalapastanganan ang lumuhod sa mga nasabing imahe ngunit iba nang usapan kung lalagyan mo ang noo ni Jesus ng itit.

Sinasabing ang pintor na ito na galing pa naman sa UST ay atheist o isang taong hindi naniniwala sa Diyos dahil sa akala nila ay galing tayo sa unggoy, ngunit hindi ito dahilan para lapastangin ang image ni Jesus at ni Mary dahil ito ay isa nang kabastusan.

Mga obispo at pari ang dapat talagang unang magtatanggol sa imahe ni Jesus at ni Mary subalit ano ang ginawa nila?

Nag ala-San Pedro sila gaya noong kailangan ni Jesus ang kanyang apostoles.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply