Mga opisyal sa chopper scam kakasuhan na

TINIYAK ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na isasampa na ang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa ilang opisyal at tauhan ng pulisya na responsable sa pagbili ng lumang helicopter na pag-aari ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Dir. Samuel Pagdilaon Jr., maaring sa susunod na linggo ay isasampa na nila ang kaso sa Ombdusman.

Nabatid na ang PNP-CIDG ang inatasan na mag-imbestiga sa kontrobersiya na bumabalot sa PNP.

Maliban sa dating opisyal ng PNP, ibinunyag ni Pagdilao na may mga sibilyan na maaring mapasama sa kaso kabilang na si Archibald Po, ang may-ari ng LionAir Inc., at mga opisyal ng MAPTRA ang kompanyang nagbenta ng dalawang lumang helicopter sa PNP ngunit binayaran sa presyong bago.

Ngayon pa lamang ay sinabi na ni Pagdilao na may nakikita silang sabwatan sa palpak na pagbili ng PNP ng helicopters.

Hindi naman binanggit ng opisyal kung kasama sa makakasuhan si dating First Gentleman Arroyo, ang inginungusong may-ari ng naturang mga helicopter.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Teofisto Guingona III ang legal team ng committee na makikipag-ugnayan sa CIDG upang tumulong sa pagsasampa ng kaso sa pamamagitan ng pagbibigay ng dokumento mula sa isinagawang pagdinig ng lupon.

Hiniling din ni Guingona sa CIDG na bigyan ng kopya ang Senado sakaling tuluyan ng maisampa ang kaso sa korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply