Mga ospital pinaghahanda sa bagyo

UPANG matiyak na handa sa anumang emergency, inilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘code white alert’ status ang mga pampublikong pagamutan sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Mina, partikular na ang hilagang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, partikular na inilagay sa white alert ang Center for Health Development ng ahensya sa mga rehiyon na tatamaan ng bagyo kabilang na ang region 2.

Nakaalerto rin naman maging ang Health Emergency Management staff sa punong tanggapan ng DOH upang mamonitor ng husto ang posibleng maging pinsala ng bagyong Mina.

Nabatid na sa ilalim ng code white alert, kailangang may sapat na medical personnels ang mga ospital at dapat na may sapat na medical equipment at mga gamot, para maging handa sakaling magka-emergency.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply