Mga Pinoy Dragon, bow!

KATAKUT-TAKOT na kuwentong sardinas, tahong at basura ang pinagdaanan ng Philippine Dragon Boat Team bago sila kinilala na mga bayani ng mga onorabol sa larangan ng pagbabangka bilang isport.

Ang pagkakaalam natin, nagkampiyon na ang mga ito noon ng dalawang beses.

Pero hindi sila pinapansin dahil sa problema sa organisasyon.

May sariling internasyonal na asosasyon na sinasalihan ng mga ito na kaiba sa kinakandili ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

oOo

Pero higit sa problemang organisasyon, pinulitika umano ang mga Dragon.

May usok sa PSC at POC na kaya hindi kinikilala ang mga Dragon ay dahil sa alaga umano sila ng isang kapatid ni Gloripie na si Art Macapagal na kaaway ng mga kamag-anak ni PNoy na nasa poder ngayon.

Resulta: wala silang pamasahe, walang  pagkain, walang suporta para sa kani-kanilang mga pamilya.

Hirap na, gutom pa!

Para mabuhay ang nakararami sa kanila, ang kanilang mga pamilya at magkaroon ng lakas na magpraktis at makikontes sa ibang bansa, kinakailangan nilang magkalkal ng basura para mag-kapera at manghuli ng tahong  sa puno ng basura sa Maynila para sila may makain.

Nagbabaon na lang sila ng sardinas kung lumalabas sila ng bansa bilang kanilang ulam para sa tipid nilang pagkaing tinapay at bigas.

Namamalimos naman sila ng pamasahe o lumuluhod sila sa mga kompanyang eroplano para isakay sila sa kanilang pagbiyahe.

oOo

Ngayon ay sinabi ni PNoy na gigibain niya ang pulitika na sagabal sa ipinakikitang kabayanihan ng mga dragon.

Nauna rito, nag-ambag-ambag ang mga Pinoy sa Florida, USA para parangalan sila at sumunod ang mga kongresman natin at ang Palasyo sa pagkilala sa kanila.

Ano ang susunod?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply