Mga pulis obligadong mag-donate ng dugo sa dengue victims

OBLIGADO na ang mga pulis na mag-donate ng dugo sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa kasabay ng apela ng Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra dengue sa pamamagitan ng blood donation.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Deputy Director Nicanor Bartolome na ikinukonsidera nila ang pag-iisyu ng direktiba upang obligahin ang nasa 100,000 pulis sa buong bansa na mag-donate ng dugo.

Ayon kay Bartolome, inaayos na lang ang guidelines para sa ikakasang blood donation na kanila namang itu-turn over sa kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Sa ngayon, pumapalo na sa mahigit 45,000 ang kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero hanggang unang linggo ng Agosto at dito sa Metro Manila, higit 10,000 na ang naitala, na doble kumpara sa kasong naitala sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Sinabi naman ng Philippine Red Cross (PRC) na dinagdagan na ang contingency plan nito sa dengue kasama na ang pinatinding pagpapakalat ng kaalaman at pagpapalaganap ng kusang loob na pagbibigay ng dugo.

Mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umabot ang PRC sa kabuuang 23,559 mga indibidwal sa kamalayan sa kalusugan at nanguna sa mga pamayanan sa kampanya ng mga gawain sa paglilinis.

Mahigit pa kaysa 500 Red Cross 143 volunteers, karamihan ay mga nurse, ang pinakilos sa mga apektadong lugar upang magbigay-kaalaman sa edukasyong pangkalusugan at mamahagi ng mga polyetos at iba pa (information materials) sa komunidad.

Sinabi ni PRC Secretary General Gwendolyn Pang na dapat makapasa sa pisikal na pagsusuri ang lahat ng mga donors bago sila magbigay ng dugo.

“It is healthy to give blood. Blood is the most precious gift we can give to our fellowmen. We invite you to come to any of the Red Cross blood facilities to donate your blood. You may also call Tel. 301-99-68, 521-39-29, 527-0000 or hotline 143.

Ang dengue ay sanhi ng kagat ng lamok na aedes aegypti na gumagala sa araw. Hanggang tatlong talampakan lamang ang taas ng lipad nito at dumarami sa panahon ng tag-ulan.

Lagnat, butlig butlig sa balat, sakit ng ulo, pagkawala ng gana at pagdurugo ng ilong, sa ilang kaso, ang mga karaniwang sintomas ng dengue. Maaari itong makaapekto sa sinuman, ngunit ang pinaka-mahina ay ang mga bata mula isa hanggang sampung taong gulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply