Mga senador dismayado sa Mayuga report

HINDI napigilan ng mga senador na magpahayag ng pagkadismaya matapos malaman ang resultang nilalaman ng Mayuga report.

Naniniwala si Senator Francis Escudero na idinisenyo ang resulta ng Mayuga report bilang pang-cover up sa halip na magpalabas ng katotohanan sa likod ng alegasyon ng dayaan noong 2004 presidential elections.

Kulang-kulang din aniya ang nilalaman ng Mayuga report kung kaya marapat lamang na imbitahan ng DOJ-COMELEC joint investigating panel ang mga pangunahing personalidad na nakalista sa “annexes” ng report para matanong sila ng mahusay.

Isang “whitewash” para kay Senador Antonio trillanes IV ang kabuuan ng Mayuga report dahil hindi nito pinansin ang bawat piraso ng ebidensiya ng dayaan noong 2004 elections.

Pawang kung ano lamang aniya ang sinabi ng mga inaakusahan na sangkot sa pandaraya ang mababasa sa Mayuga report at hindi ang kung ano ang dapat nilang maging tunay na findings sa isyu.

Sinabi naman ni dating Senador Nene Pimentel na pinatutunayan lamang ng Mayuga report na mayroong unawaan sa pagitan ng COMELEC at militar sa Mindanao pagdating sa usapin ng dayaan.

Kung nailabas lamang sana ng mas maaga ang Mayuga report ay baka nakagawa ng mga hakbang ang gobyerno at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para hindi naging biktima ng pandaraya noong 2007 elections ang kanyang anak na si Senador Koko Pimentel.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply