Mga senador na tutol sa RH Bill nadagdagan pa

LIMA na ang senador na mariing tumututol sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill.

Ayon kay Senador Vicente “Tito” Sotto III, bukod sa kanya, kinokontra rin ang nasabing panukala nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senador Sergio Osmeña III, Senador Ralph Recto at Senador Gregorio Honasan.

Sinabi ni Sotto na posibleng madagdagan pa sila.

Puro luma umano at ani Sotto dalawa lang sa mga probisyon ng RH Bill ang nakikita niyang bago, ito ay ang pagmamando sa paggamit ng contraceptives at paglalaan ng pondo para rito.

Hindi naman masabi ni Sotto kung hanggang kailan tatagal ang debate ng RH Bill sa Senado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply