Mga senador tutuluyan ng ikinulong na bookkeeper

ITUTULOY ni Rowena del Rosario na panagutin ang mga senador na nagkulong sa kanya sa loob ng tatlong araw, matapos akusahan ng pagsisinungaling at pagtatakip sa mga Arroyo kaugnay ng second hand chopper controversy.

Si Del Rosario ay dating bookkeeper ng LTA Inc. na pag-aari ng pamilya Arroyo at sinasabing nakakaalam ng detalye ukol sa mga chopper na ibinenta sa Philippine National Police (PNP) bilang brand new sa kabila ng pagiging gamit na ng mga ito.

Ayon kay Atty. Nunilo Marapao, kahit pinakawalan na ang kaniyang kliyente ay kailangan pa ring malinawan sa korte kung hanggang saan ang kapangyarihan ng mga senador sa ganitong sitwasyon at kung paano madedetermina kung lumalabis na sa pagganap ng kanilang tungkulin ang mga mambabatas.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay naghain si Marapao ng writ of habeas corpus sa Court of Appeals (CA) ngunit kusa namang pinakawalan ng mga senador si Del Rosario matapos ang Senate inquiry.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply