Mga sinehan sa Metro front ng prostitusyon

PUGAD daw ng kalaswaan ang mga bulok na sinehan na nagpapalabas ng mga lumang malalaswang  pelikula sa Metro Manila partikular na sa mga lungsod ng Maynila, Quezon at Pasay.

Karamihan umano sa mga nanonood at pumapasok sa mga bulok na sinehan ay pawang mga bakla at matrona.

Sinasabing sa pagbili pa lang daw ng ticket sa sinehan ay nakaabang na ang mga callboy at pag pasok sa loob ay aalukin nito ng panandaliang aliw ang bumili ng tiket.

Sa loob ng  mga bulok na sinehang ito ay makikita mo raw ang “live show” kung saan makikita mong nagtatalik  ang dalawang tao ng nakatayo lang o kaya ay sa loob ng comfort room.

Dapat sigurong bigyan din ito ng pansin ng Department of Health at ng city health department dahil lubhang mapanganib ito sa publiko lalo na sa mga kabataan na pinapayagan ding pumasok sa loob ng mga  ito at nakikipagtalik din sa loob.

Untouchable umano ang may-ari ng mga sinehang ito na nasa Maynila, Quezon City at Pasay City dahil  kapag may nagreklamo at nire-raid ng mga pulis ay agad din itong nakapag-ooperate at napapalitan  ang pangalan.

Karamihan sa mga raid na ginagawa ng mga pulis ay moro-moro lang para sabihin na ni-raid ang mga sinehang ito na pag aari ng sinasabing untouchable na si Boy Lao.

Ayon sa ating source, napakalakas daw nitong si Boy Lao sa  Philippine National Police sa mga lokal na opisyal ng City Hall, sa MTRCB at  maging sa ilang mediamen.

Nakapagtataka lang kung bakit kinukunsinti ito ng mga pulis at nabibigyan pa ng permit mula sa city hall gayung lantaran ang  prostitusyon sa loob ng mga nasabing sinehan partikular na ang nasa kahabaan ng Claro M. Recto at Quezon Blvd. sa Maynila at sa Cubao, Quezon City.

Bukod sa DOH at City Health Department, kailangan din sigurong tawagan ng pansin ang Manila Police District,  Quezon City Police District at Pasay City Police na imonitor ang mga bulok na sinehan sa kanilang lugar lalo na ang mga sinehan nitong si Boy Lao na sinasabing pugad ng prostitusyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply