Midwife dinukot ng Abu Sayyaf sa Sulu

DINUKOT ng hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang isang midwife sa bayan ng Indanan sa Sulu, inulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Evangeline Taverisma, 57, asawa ng dating retiradong militar at residente ng Bgy. Asturias, Jolo.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr,  alas 3:00 ng hapon noong Miyerkules nang maganap ang pagdukot sa Barangay Takbak, Indanan.

Nabatid na naglalakad papauwi galing sa trabaho sa Rural Health Unit sa nasabing barangay ang biktima nang mangyari ang insidente.

Ayon sa mga saksi, kinaladkad ng mga lalaki ang biktima hanggang maisakay sa 6-seater na Toyota Tamaraw jitney na kulay pula.

Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply