Mike Arroyo direktang isasabit sa chopper anomaly

KAHIT anong tanggi ang gawin ng pamilya Arroyo, sasabit at sasabit umano sa maanomalyang pagbili ng Philippine National Police ng mga segunda-manong helicopters.

Ayon kay Senador Ping Lacson, hawak niya ang mga dokumento na magpapatunay na kay dating first Gentleman Mike Arroyo ang dalawa sa tatlong helicopters na binili ng PNP.

Aniya, ang dalawang helicopters ay parehong gamit na gamit ng mga Arroyo mula noong 2004 bago ibenta bilang brand new at sa presyong brand new noong 2009.

Sa ikalawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa helicopters ng PNP, inaasahang ilalabas ni Lacson ang mga dokumento.

sa impormasyon ni Lacson, napilitan lamang ang PNP na bilhin ang helicopters dahil hindi matanggihan ang mga Arroyo na noon ay nasa poder ng kapangyarihan.

Ayon naman kay Senate blue ribbon comtee chairman Teofisto “TG” Guingona, hindi pa direktang naidadawit ang mga Arroyo sa PNP helicopter anomaly batay sa kanilang inisyal na public hearing.

Subalit ani Guingona, kung ito ang lilitaw sa pagdinig ngayon ay kailangang magpaliwanag ang mga Arroyo.

Hindi rin aniya maaaring mag-invoke si dating Unang Ginoo Mike Arroyo na siya ay private citizen dahil public funds ang sangkot sa usapin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply