MILF ibinasura ang peace proposal ng gobyerno

IBINASURA ng MILF peace panel ang proposal ng gobyerno para sa hinahangad na kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ngayon ni government chief negotiator Marvic Leonen sa isang video-conference mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, na tinanggap at pinag-aralan ng MILF panel ang kanilang isinumiteng dokumento.

Ayon kay Leonen, kaninang umaga inihayag ng grupo ni Mohaguer Iqbal na papayuhan nila ang MILF Central Committee na i-reject ang government peace proposal.

Inihayag ni Atty. Leonen na nabitin ang mga kausap at inaasahan nilang gagamitin ng gobyerno ang terminong ‘substate’ bagay na hindi nila ginawa.

Nilinaw naman ng gobyerno na walang nangyaring ‘walk-out’ at positibo pa ring senyales na hindi ibinalik ng MILF panel ang dokumento.

Maliban sa peace draft, tinalakay din sa 22nd formal peace talks sa Kuala Lumpur, ang status ni Kumander Ameril Umbra Kato na isa ng ‘bogat’ sa MILF.

Ang ‘bogat’ ay Arabic term para sa taong pasaway o hindi sumusunod sa isang kautusan.

“MILF panel accepted and studied the government proposal. They (panel) will advice the MILF Central Committee to reject it,” ani Leonen. “They want a different framework. They expected something more.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply