Panukalang sub-state ng MILF bubusisiin ng Senado

HANDANG pag-aralan ng ilang senador ang isinusulong na “sub-state” ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa patuloy na negosasyon ng pamahalaan para sa kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, ang mahalaga ay tiyakin ng pamahalaan na alinsunod sa Saligang Batas ang kahilingan ng MILF na magkaroon ng sariling estado sa Mindanao.

Binigyang-diin ni Drilon na kahit pa sub-state ang hinihingi ng MILF ay maaring ideklara pa rin itong unconstitutional ng Korte Suprema sakaling lumagpas sa itinatakda ng Saligang Batas ang mga kapangyarihang ibibigay sa Bangsamoro para sa kanilang sariling gobyerno.

Dahil dito, nais malaman ni Drilon ang buong nilalaman ng kahilingan ng MILF upang pag-aralan kung kailangan pa itong idaan sa Kongreso.

Una nang kinuwestiyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang ginawang personal na pakikipag-usap ni Pangulong Benigno Aquino III kay MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim sa Japan na aniya’y hindi magandang taktika.

Ani pa ni Escudero, lubhang napakaaga pa upang ang Pangulo mismo ang humarap sa MILF para sa usapang pangkapayapaan sa Mindanao. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply