Militar vs NPA: 1 patay, 1 sibilyan sugatan

PATAY ang isang miyembro ng Cafgu habang sugatan naman ang isang sibilyan matapos magpang-abot ang mga militar at rebeldeng grupo ng NPA sa Sitio Alyong, Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur.

Nakilala ang nasawi na si Dodong Alvarado habang sugatan naman ang isang residente sa lugar.

Ayon kay Lt. Col. Alexis Noel Bravo, commanding officer ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato, nagkasagupa ang dalawang grupo bandang 5:30 ng umaga.

Patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang militar at pulisya sa mga nakaengkuwentrong rebelde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply