Milyones na OFW maghihirap sa Amerika

TINATAYANG tatlo hanggang limang milyon ang overseas Filipino worker na matatagpuan kina Uncle Sam.

Ilang milyon naman kaya ang kanilang pinakakain at tinutulungan para mabuhay sa repablik ni Juan?

Ipagpalagay nating isa lang ang OFW sa bawat pamilya at may apat na iniwanan ng OFW dito, aba, aabot ang bilang ng pamilyang-OFW sa 12 milyon hanggang 15 milyon.

Ganito karami, Suki, ang magugutom at maghihirap dahil sa krisis sa pananalapi na nagaganap kina Uncle Sam.

oOo

Nag-ugat ang krisis kina Uncle Sam sa pagkalubog nito sa utang.

Hirap na hirap si Uncle Sam sa pagbabayad nito ng mga utang sa ibang bansa at sinasabing naisanla na nito ang kanyang kaluluwa sa bansang Tsina.

Wataymen, sa bansang Tsina matatagpuan ang pinakamalaking utang ni Uncle Sam.

Iba pa ang utang nito sa World Bank, sa International Monetary Fund at iba pang nagpapautang na mga bangko at bansa.

Nagkakandautang-utang si Uncle Sam hindi lang dahil sa ginagamit ang pondo nito para sa pagpapaganda ng buhay ng mga mamamayan nito kundi nalululong ito sa paggawa ng mga armas pandigma para lang magiyera at makontrol nito ang iba at lamunin ang lahat ng kayamanan ng mga ito.

Por eksampol dito ang mga giyera nito sa mga Arabong bansa upang makuha lang nito ang mga suplay ng langis.

oOo

Habang nagkakakrisis naman, tsinatsaptsap nito ang mga benepisyo ng mga OFW gaya ng mga libreng ospital, murang pabahay, mataas na sahod at iba pa.

Resulta? Lumalaki ang gastos ng mga OFW roon hanggang sa wala o katiting na lang ang maipadadala nila sa kanilang mga pamilya rito.

Kaya naririyan na ang gutom at paghihirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply