‘Mina’ humina na

HUMINA na si Mina…

Ibinaba na ng PAGASA sa signal No. 3 ang Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands.

Huling namataan ang bagyong Mina sa layong 50 kms east ng Cagayan.

Taglay ang lakas ng hangin na 165 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 200 kph.

Ito ay kumikilos pa-hilaga kanluran ng bansa sa bilis na 7 kph.

Signal no. 3 sa Cagayan, Babuyan Group of Island, Calayan Group of Island, Apayao at Batanes.

Signal no. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao at Isabela.

Signal no. 1 naman sa La Union, Benguet, Pangasinan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino at Aurora.

Samantala, sa interview naman ng DZXL kay NDRRMC Exec. Dir. Benito Ramos – sinabi na maaari nang daanan ang kalsada sa Sta. Ana, Cagayan na unang nabagsakan ng mga puno.

Patuloy ang ginagawang clearing operation ng DPWH sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply