‘Mina’ nag-iwan ng mga sirang tulay, kalsada

NAG-IWAN ang bagyong “Mina” ng mga tulay at kalsadang nawasak sa paglabas nito ng bansa.

Ang mga kalsada at tulay sa Luzon ay isinara sa mga motorista dahil sa mga pagguho ng lupa sa mga gilid ng bundok , mga balikat ng kalsadang inanod ng rumaragasang mga baha, at mga tulay na naputol sa malakas na agos at umapaw na tubig.

Ang bilang ng mga kalsada at tulay sa Luzon na hindi madaanan ay ang mga sumusunod:

  • 11 kalsada sa Region I (Ilocos)
  • 7 tulay at isang kalsada sa Region II (Cagayan Valley)
  • 2 tulay at isang kalsada sa Region VI (Western Visayas)
  • 1 tulay sa  Metro Manila
  • 19 na kalsada sa Cordillera.

Ang bilang ng mga namatay ay nananatiling 17, walo ang nawawala at 21 ang nasugatan.

Ayon sa NDRRMC, 56,287 pamilya o 232,019 mga tao sa 664 na barangay sa 95 na bayan-bayan at anim na lungsod sa 16 na lalawigan.

Sa mga ito, 1,096 mga pamilya o 4,765 mga tao ang kasalukuyang nasa mga evacuation centers.

Mahigit 50 mga kabahayan ang nawasak ng bagyo habang 925 ang bahagyang nasira.

Ang pinsalang dulot ni Mina ay tinatayang aabot sa halagang P1.01 bilyon. Ben Reyes

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply