Minamalas na, mahina pa ang pamunuan ng PDEA

MINAMALAS yata ngayon ang  Philippine Drugs Enforcement Unit (PDEA) dahil sa sunod-sunod na pagkakahuli o pagkakasabit ng kanilang mga ahente sa kaso ng droga.

Noong nakalipas na Biyernes ay nagkaroon ng buy bust operation ang mga operatiba ng  Bohol Police Provincial Office sa may Brgy. Poblacion 2 sa lalawigan ng Bohol at dito ay naaresto si PDEA Agent Steven Valles, nakatalaga sa PDEA-Region 7 Headquarters.

Sec. 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampang kaso dito kay Valles na nakumpiskahan ng dalawang plastic ng shabu.

Sinasabi ng Section 5 na bawal ang paggawa, pagbebenta, pagbibiyahe, pagpapagamit at iba pang mga droga at parusang 12 taon hanggang kamatayan ang igagawad sa mga gumagawa nito.

Kaliwa’t kanan ang bulilyaso ng mga PDEA agent lalo na ang mga nasa Metro Manila Region Office (MMRO) pero bakit  parang bulag at bingi yata rito si PDEA Usec. Jose Gutierrez, Jr.?

Ilan sa mga inireklamong  operation ng MMRO ay ang ginawa nilang raid sa Masinag, Antipolo City noong nakalipas na buwan  dahil hinakot daw ng mga  PDEA agent  ang mga kubyertos, damit na Lacoste at 2 flat  tv na may 50 inches.

Sa raid naman ng MMRO sa bahay ng isang Hubert sa may kanto ng Balete Drive at E. Rodriguez  sa Quezon City ay marami raw ang nawalang baril, pera, mga alahas at  laptop at ito ay inireklamo na sa tanggapan ni PDEA Asec. Carlos Gadapan.

Ang pinakahuli ay ang pagpasok daw ng isang team ng MMRO sa bahay ng isang Ginang Sanchez,  sa may Tandang Sora  kung saan ay nawalan daw ng malaking halaga ng pera, laptop at mga alahas ang ginang.

Nagtataka ang maraming biktima kung bakit hindi raw nakararating sa mga kinauukulan ang kanilang reklamo lalo na sa mga mamamahayag.

Bakit tahimik dito ang pamunuan ng PDEA maging ang kanilang PIO na si Evangeline Almenario, na wala nang ginawa kundi ang magpapansin sa mga opisyal ng PDEA.

Marami ng asar dito kay  Al-menario, maging ang  ilang  mamamahayag ay asar din sa babaeng ito na sinasabing hindi naman daw marunong gumawa ng press release pero naging PIO Chief ng PDEA.

Ganito na ba kahina ang pamunuan ng PDEA? Nagtatanong lang po USEC Gutierrez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply