Mini-Marshall Plan ipatutupad sa ARMM

BINABALAK ngayon ng gobyerno ang paglikha ng mini-Marshall Plan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa loob ng 21 buwan mula Setyembre 30, 2011 hanggang Hunyo 3, 2013.

Sa pulong na ipinatawag ng Institute for Autonomy and Governance (IAG), ipinahayag ni Interior Secretary Jesse Robredo na ang nasabing plano para maireporma ang rehiyon ay pangangasiwaan ng isang caretaker na itatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Fr. Eliseo “Jun” Mercado, executive director ng IAG, na kung kayang gumastos ng gobyerno ng P30 bilyon para sa Conditional Cash Transfer Program (CCTP) ay kaya rin nitong gumastos ng P10 -15 bilyon para sa reporma ng ARMM.

Samantala, inaantabayanan na ngayon ng mga residente ng ARMM ang mga pangalan ng kandidatong posibleng maging caretaker ng rehiyon habang ipinatutupad ang nasabing mini-Marshall Plan.

Ito ay kasabay ng pagpapalabas ng Malakanyang ng isang executive order  para sa pagbuo ng screening committee na magrerekomenda ng OIC sa ARMM na maglilingkod sa loob ng 21 buwan.

Una nang binuo ng ARMM government ang kanilang transition committee para sa maayos na turnover sa Setyembre 30, 2011, kung kailan bababa sa puwesto ang mga kasalukuyang namumuno.

Sa inilabas na EO 51 ay bubuo ng screening committee, na pansamantalang pamumunuan ni  Robredo, kasama ang Department of National Defense (DND), Presidential Adviser  on Political Affairs, at mga kinatawan mula sa civil society  at limang gobernador at mga alkalde ng ARMM.

Kabilang sa mga matunog na aplikante sa nasabing pansamantalang posisyon ay sina dating Anak Mindanao Rep. Mujib Hataman, dating MILF spokesman Eid Kabalu, Cotabato City Vice Mayor at MNLF Chairman Muslimen Sema, dating Maguindanao OIC Governor Ina Ambolodto, Maguindanao 2nd District Congressman Simeon Datumanong, dating Westmincom chief Marine Brig. Gen Ben Dolorfino, dating ARMM Gov. Zacaria Candao at ARMM executive secretary Najib Sinarimbo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply