Minorya sa Kamara binoykot ang budget deliberation

IBOBOYKOT na ang grupo ng minorya sa Kamara sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kung saan sinimulan na ang pagbusisi sa isinumite ng Malakanyang na P1.816 trilyon para sa 2012.

Binigyang diin ngayon ni House Minority leader Edcel Lagman na hindi na dadaluhan ng oposisyon ang deliberasyon sa 2012 budget dahil sa diskriminasyon ng administrasyon sa pamamahagi ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

“PDAF allocations are entitlements of constituents and not of individual legislators,” ani Lagman.

Paliwanag pa ng mambabatas na ang PDAF at ang Countrywide Development Fund (CDF) ay deklarado ng Supreme Court bilang balido at konstitusyonal kung saan ang CDF ay bilang “great equalizer” dahil bawat congressional districts ay tumatanggap ng pare-parehong halaga o P70 milyon kahit ano pa ang kinabibilangang partido.

Sa kabuuang 34 na miyembro ng minority ay 14 ang hindi nakatanggap ng pork barrel, samantalang ang 18 ay pawang hindi kumpleto at dalawa lamang ang nabigyan ng kumpleto para sa alokasyon ngayong 2011.

Giit pa ni Lagman na wala nang saysay na lumahok pa ang minorya sa budget hearings dahil “after the General Appropriations Act is enacted, allocations are impounded and immobilized.”

Si Davao Rep. Marc Douglas Cagas, miyembro ng oposisyon ay dumalo sa budget briefing kaninang umaga dahil hindi pa nito alam ang desisyon ng minorya na i-boykot ang deliberasyon.

Si Cagas ay direktang kinuwestyon si Budget Secretary Florencio Abad ukol sa pagkaantala ng kanyang pork subalit sinagot siya ni Leyte Rep. Sergio Apostol na makabubuting sumapi ito sa Liberal party, ang partido ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply