Political leader ni Erice utas sa riding-in-tandem

NAMATAY ang isang political organizer ni Caloocan City Vice Mayor Egay Erice nang pagbabarilin ngayong umaga (Martes, Agosto 9) ng mga armadong lalaki na magka-riding in tandem.

Agad na namatay si Sammy Delana, organisador ni Erice sa Barangay Bagong Silang, matapos tamaan ng tatlong bala sa dibdib at mukha.

Isang by-stander ang nasugatan sa naganap na karahasan. Kinilala ang nasaktan na si Hilda Dioquino, presidente ng Parent-Teacher Association (PTA) ng Sto. Niño Elementary School. Tinamaan ng bala si Dioquino sa kamay.

Batay sa paunang imbestigasyon, nakatayo sina Delana at Dioquino sa isang kanto sa  Barangay 176, Phase 5, Bagong Silang nang sunod-sunod silang paputukan ng baril.

Ayon kay Erice, isang masipag na organizer si Delana na naglilibot sa buong komunidad halos araw-araw upang isulong ang mga programa ng bise alkalde.

“Walang kasalanan ito (Delana), disente. Wala akong maisip na kaaway,” ayons sa vice mayor.

Ibinunton ni Erice ang sisi sa kasalukuyang hepe ng panglungsod na pulisya dahil wala umano itong ginagawa upang mapigilan ang mga nagaganap na patayan sa lugar.

“Ang tawag nga ng mga tao dyan sa Bagong Silang ay ‘ulo-ulo’ kasi lahat ng mga napatay dyan ay puro sa ulo ang tama… Ang kapulisan, hindi yata iniintindi ‘yan” ani Erice.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply