Mister utas sa gumuhong pader sa QC

DOBLE malas ang inabot ng 24-anyos na lalaki dahil matapos siyang madaganan ng gumuhong pader ay natusok pa ang kanyang kili kili ng mga nakausling bakal  sa isang gibang gusali sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City kaninang tanghali.

Namatay noon  din sa pinangyarihan ng insidente si Elvis Mantelo, ng Brg. Bahay Toro  matapos matusok  ng nakausling bakal sa kanyang kili-kili at madaganan ng gumuhong pader.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas 12:00 ng tanghali sa gumuhong gusali na nasa Wisdom St.,. nasabing lugar.

Ayon sa kasama ng biktimang si Jeffrey Ocampo, magksama umano silang nangunguha ng bakal sa lugar upang maibenta sa junk shop ngunit hindi niya napansin  na umakyat si Mantelo sa bandang itaas ng pader at pilit na binabasag ito para makuha ang mga nakabaong bakal, ngunit bumigay umano ang pader kasabay ang biktima.

Aksidenteng tumusok pa ang kili kili ng biktima sa ilang nakausling bakal at minalas pa na tumabon sa kanya ang gumuhong pader na daglian nitong ikinamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply