Miyembro ng PCG na kasali sa PDBF pinarangalan

BILANG pagkilala sa nakamit na tagumpay ay pinangaralan ngayong araw (Lunes, Agosto 22) ng pamunuan ng Philippine Coast Guard ang kanilang tatlong miyembro na kabilang sa Philippine Dragon Boat Federation na lumahok sa international competition dalawang  linggo na ang nakalilipas.

Nabatid kay PCG spokesman, Lieutenant Commander Algier Ricafrente, ang tatlo ay ginawaran ng Coast Guard Outstanding Achievement Medal and Ribbon.

Ang mga pinarangalan ay sina Seaman Second Perlito Idorot, Seaman Second Raymond Morales at Seaman Second Junrey Dayumal

Matatandaang ang Dragon Boat Team ay humakot ng limang ginto at dalawang pilak na medalya sa naganap na international dragon boat racing championship sa Tampa Bay Florida USA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply