MMDA binatikos sa implementasyon ng 60kph speed limit

UMANI ng batikos ang pamunuan ng Metropolitan Manila Authority Development (MMDA) kaugnay sa “ningas kugon” na pagpapatupad ng 60kph speed limit sa Macapagal Avenue, Pasay City.

Kaugnay nito, aminado naman si MMDA Chariman Francis Tolentino na hindi nila ganap na nababantayan ang pinaiiral na alituntunin dahil muna lamang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang duty ng mga traffic enforcers na nagbabantay sa naturang lugar.

Batay sa reklamong natatangap ng MMDA, nagpapatuloy pa rin at malayang isinasagawa sa Macapagal Avenue ang iligal na karerahan ng mga sasakyan o drag racing.

Sinabi ni Tolentino na limitado ang kanilang mga tao at kinakailangan nila ang tulong ng Philippine National Police (PNP) para sa implementasyon ng 60kph speed limit.

Pangunahing layunin ng 60kph speed limit ay upang ma-kontrol ang bilang ng aksidenteng nagaganap sa naturang kalsada. Ang resolusyon ay inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) nitong nakaraang Hunyo 23 para sa speed limit sa Diosdado Macapagal Boulevard.

Sinabi ni Tolentino na hindi man umano lubusang matigil ay kailangang mabawasan ang aksidente sa Macapagal Boulevard dahil isa itong importanteng kalsada na nagdudugtong sa Metro Manila sa lalawigan ng Cavite at iba pang lalawigan sa Southern Luzon.

Kumpara sa Commonwealth Avenue na tinaguriang “killer highway”, mas maliit ang Macapagal Boulevard na may apat na lanes at nakatayo ang ilang impor­tanteng establisi­miyento. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply