MMDA chairman tinaguriang ‘Hitler’

TINAGURIANG “Hitler” at walang humanitarian consideration si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman  Francis Tolentino makaraang magdeklara ng all-out-war laban sa mga kamag-anak at media.

Ang pagdedeklara ng pakikidigma laban sa media ay ipinarating ni Tolentino sa kanyang MMDA enforcers na umani ng batikos sa hanay ng mamamahayag at maging sa hanay ng kanyang mga tauhan.

Batay sa kautusang ipinalabas ni Tolentino, hindi dapat magbibigay ng tulong o mag-facilitate sa kanilang kaibigan, kaanak at mga mamamahayag na lumabag sa batas trapiko.

Tahasang ipinagbilin ni Tolentino sa kanyang mga tauhan na suspension o pagkatanggal sa serbisyo ang parusa sa sinumang lalabag dito para maiwasan ang fixer at mga abusado sa kanilang ahensya.

Sa kabila nito, tinawag naman ng ilang MMDA enforcers na “Hitler” at walang humanitarian consideration si Tolentino dahil sa kautusang ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply