MMDA hindi uurong sa impolementasyon ng Smoking ban

MAKARAANG supalpalin ng hukuman sa paglalabas ng 20 araw na Temporary Restraining Order laban sa kanilang ipinatutupad na anti-smoking law, desedido pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagpatuloy ang smoking ban dahil sa tiwalang kakatigan din sila ng korte para ipatupad ito.

Ayon kay MMDA Charmain Francis Tolentino, naniniwala sila na maibabasura rin ang Temporary Restraining Order (TRO) dahil kumpyansa silang kaya nilang baguhin ang naunang desisyon ng korte.

Nabatid na ang kampanyang ito ng MMDA ay una nang ipinatitigil ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) matapos magpalabas ng TRO batay sa inihaing reklamo ng dalawang indibidwal na nahuling lumabag sa anti-smoking campaign.

Kinuwestiyon kasi ng korte ang pamamaraan ng pag- iimplementa ng MMDA rito.

Sinabi ni Tolentino na bagama’t nalulungkot sila ay kanila pa rin itong iginagalang at susundin ang desisyon ng hukuman.

Nilinaw rin ni Tolentino na ang sakop lamang ng TRO ay ang sidewalks at major roads kaya maaari pa rin silang manghuli sa mga terminal, sinehan, paaralan at ospital na kabilang sa sakop ng dating batas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply