MMDA nalungkot sa 20-day TRO sa smoking ban

IKINALUNGKOT ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang paglalabas ng 20 araw na Temporary Restraining Order laban sa kanilang ipinatutupad na smoking ban.

Sinabi ni Tolentino na bagamat nalulungkot sila ay kanila pa rin itong iginagalang at susundin ang desisyon ng hukuman.

Nilinaw rin ni Tolentino na ang sakop lamang ng TRO ay ang sidewalks at major roads kaya maaari pa rin silang manghuli sa mga terminal, sinehan, paaralan at ospital na kabilang sa sakop ng dating batas.

Bukod dito sinabi nito na bayaran lamang ang mga nagreklamo sa korte ng ipinatutupad na smoking ban ng MMDA na siyang dahilan ng paglalabas ng TRO laban dito.

Ayon kay Tolentino, mayroon siyang napanood na footage na umamin ang mga naghain ng kaso na sila ay nautusan lamang na i-set up ang MMDA.

Naniniwala si Tolentino na magkakaroon ng epekto sa kaso ang pag-amin ng mga nagpanggap na complainant.

Lalon maigi rin aniya na ang mga tao sa likod ng mga ito na lamang ang siyang nagreklamo.

Sa kabila nito, iaapela ng MMDA ang TRO na inilabas ng Mandaluyong RTC sa pagpapatupad ng smoking ban sa mga pampublikong lugar.

Inamin ni Tolentino na isang dagok ang TRO na pinalabas ng korte lalo’t dumadami na ang mga sumusuporta sa kanilang smoking ban.

Tiniyak ni Tolentino na gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang para maibalik ang no smoking ban campaign.

Pinaalala ni Tolentino na kasama sa tungkulin ng MMDA ang pagtiyak nila at pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng publiko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply