MMDA nilinaw na hindi pa epektibo ang TRO

NILINAW ngayon, Huwebes, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa epektibo ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Mandaluyong RTC laban sa smoking ban ng MMDA sa mga pampubliko lugar.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi pa nababayaran ng dalawang petitioner ng TRO  ang P100,000 cash bond.

Dahil dito, aniya’y tuloy ang panghuhuli ng MMDA sa mga naninigarilyo sa mga pangunahing kalsada at bangketa.

Duda naman si Tolentino na mababayaran ng dalawang petitioner ang nabanggit na halaga lalo pa at kapwa minimum wage earner lamang ang mga ito.

Sinabi pa ni Tolentino na idaragdag nila sa kanilang ihahaing Motion for Reconsideration (MR) ang isyu na binayaran ng isang kompanya ng
sigarilyo ang dalawang petitioner kaya naiakyar sa korte ang usapin.

Pinaalalahanan ni MMDA Spokesperson Tina Velasco ang publiko na tuloy pa rin ang kanilang panghuhuli sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ni Velasco na dahil mayroong inilabas na TRO, mag fo-focus na lamang muna sila sa batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Binigyang diin din ni Velasco na hindi ikinukulong ang mga nahuhuli ng kanilang environment enforcers.

Ang mga ito aniya ay pinagbabayad ng multa o di naman kaya ay nire-require na gumawa ng community service.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply